Sa nakalipas na apat na buwan, lumaganap sa buong daigdig ang isang bagong coronavirus na nagbunga ng punong-punong mga ERs sa mga pagamutan, mga pasyente sa mga ICUs na naka-ventilator at mga pamilyang nagluluksa at nananaghoy sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Upang masugpo ang pagkalat ng virus na ito, nagpatupad ang maraming mga bansa ng istriktong kautusang manatili ang mga mamamayan sa loob ng kani-kanilang mga tahanan. Ang pamamaraang ito ay mahigpit at nakasasakal subalit pinaniniwalaang kailangang ipatupad sapagkat maraming mga bansa ang hindi naging handa sa dagliang pagkalat ng virus. Kung walang ginawang hakbangin na tulad nito ang mga bansa, maaaring hindi nakayanan ng kani-kanilang mga sistema at institusyong pangkalusugan ang mabilis na pagkalat ng impeksiyon at maaari ring naging mas mabilis pa ang pagdami ng bilang ng mga namatay dito.

Sa panahon ng krisis na ito, ipininid ang mga bahay panambahan sa US at sa iba pang panig ng mundo. Pansamantalang ipinatigil ng pamahalaan ang mga panambahan at iba pang mga gawaing panrelihiyon. Katulad ng iba pang mga ginawang aksiyon ng pag-iwas at pagsugpo sa COVID-19, maaaring hindi natin talaga malaman kung epektibong nalimitahan ba nito ang pagkalat ng virus. Gayunman, bilang isang pandaigdigang paham sa larangan ng kalusugan na may 25-taon na karanasan sa pagsugpo ng ibat-ibang mga karamdaman sa ibat-ibang panig ng mundo, nakasisiguro ako na naiwasan nito ang pagkakasakit ng mga mananamba sa mga bahay-sambahang ito gayundin ang kanilang mga pamilya at kaibigan.

Sa US, pagkatapos ng anim o higit pang linggo ng istriktong pagpapatupad ng kautusang manatili ang lahat ng mga mamamayan sa kanilang mga tahanan, tumaas ang bilang ng mga nawalan ng trabaho. Maraming ...

Subscriber access only You have reached the end of this Article Preview

To continue reading, subscribe now. Subscribers have full digital access.